September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Parinig pa more? Tatay ni Carlos Yulo, lodi si Aira Villegas dahil bet i-spoil magulang

Parinig pa more? Tatay ni Carlos Yulo, lodi si Aira Villegas dahil bet i-spoil magulang
Photo courtesy: Mark Andrew Yulo (FB)/Aira Villegas, Carlos Yulo (MB)

Usap-usapan ng mga netizen ang tila panibagong cryptic shared Facebook post ni Mark Andrew Yulo, tatay ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo, patungkol sa naging pahayag ng Olympian boxer na si Aira Villegas, na nagtamo ng bronze medal sa women's boxing category.

Batay sa ulat ng Fashion Pulis, ni-reshare umano ni Mark Andrew ang isang quote card mula sa page na "VIRAL TODAY" kung saan mababasa ang umano'y pahayag ni Aira patungkol sa kaniyang mga pinaghirapan, at pagnanais na makasama pa nang matagal ang mga magulang.

"Hanggang ngayon, sinasabi ko kay God 'Pakiusap bigyan [Ninyo] ng mahabang buhay ang mga magulang ko para maranasan nila 'yung mga hindi nila naranasan noon. Gusto kong bumawi sa kanila, i-spoil sila," mababasa sa quote umano ni Aira. Hindi naman nakalagay rito kung kailan at saan ipinahayag ng atleta ang nabanggit na mga pahayag.

Sa caption naman ng shared post ni Mark Andrew, mababasa ang ilang emojis at salitang "idol."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Binisita ng Balita ang Facebook post ng padir ni Caloy subalit hindi na ito matatagpuan doon, sa hindi malamang dahilan.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nag-share ng posts si Mark Andrew na tila may kinalaman sa relasyon ng magulang sa anak, na ipinagpapalagay ng mga netizen na pasaring niya sa anak na si Carlos.

Sa isa pa ngang Facebook Live na isinagawa niya kamakailan, usap-usapan ang birong hirit niya na "ginatasan" siya ng anak dahil kinuha nito ang kaniyang "semilya" pagkatapos ay hindi pa rin sila nagkakaayos sa gusot na kanilang kinasangkutan.

MAKI-BALITA: Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

MAKI-BALITA: Shared posts ng tatay ni Carlos Yulo, parinig nga ba sa anak?

MAKI-BALITA: Pag-idol ng tatay ni Carlos Yulo kay Nesthy Petecio, inintriga; parinig sa anak?