Trending ngayon ang naging Facebook live ni Mark Andrew Yulo, tatay ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo nitong Lunes ng 12:30 ng umaga, Setyembre 7, 2024 kung saan tila hindi rin nagustuhan ng netizens naging pahayag niya patungkol kay Carlos.
Sa kumakalat na screenrecord ng netizens mula sa Facebook live ni Andrew mapapanood ang kaniyang pahayag sa umano’y siya raw ang ginatasan ni Caloy.
“Baka ako ang ginatasan ni Caloy. Kinuha niya ang semilya ko tapos ginanyan na niya kami.”
Ito ang naging sagot ni Mark Andrew matapos ang comment ng isang netizens sa kaniyang live tungkol sa nabanggit na “ginatasan.”
Agad din niyang sinabi na “Joke lang,” ang naturang pahayag.
Agad na umani ng samu't saring reaksiyon ang kaniyang pahayag, lalo pa at naging usap-usapan na rin ang kaniyang mga shared posts na patama umano kay Caloy.
KAUGNAY NA BALITA: Shared posts ng tatay ni Carlos Yulo, parinig nga ba sa anak?
May ilang netizens din ang tila nagulat at sinabing mali raw ang kanilang akala na iba ang posisyon ng ama ni Caloy tungkol sa mga intrigang bumabalot sa samahan ng kanilang pamilya.
“Toxic ng mga magulang, grabe na siguro trauma ni Caloy.”
“Eh di wow! Lalong di na magkakaayos kapag ganiyan.”
“Toxicity everywhere1”
“Sana manahimik na lang yung gf at buong family.”
“Dati sa magulang ako naaawa, ngayon parang kay Caloy na.”
“Medyo attention seeker na ang pamilya niya.”
Ito ang unang pahayag na direktang nasaksihan ng publiko mula sa ama ni Caloy matapos pumutok ang kabi-kabilang isyu nang makabalik na siya sa bansa mula Paris.
Matatandaang nauna na ring naging usap-usapan ang umano’y komento ni Mark Andrew sa isang Facebook post ni Caloy na agad sinopla ng girlfriend nitong si Chloe San Jose.
KAUGNAY NA BALITA: Buwelta ng tatay: Caloy mag-sorry, tinawag nanay niyang magnanakaw!