May 20, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Bittersweet: Bride, sumakabilang-buhay ilang oras matapos maikasal sa groom

Bittersweet: Bride, sumakabilang-buhay ilang oras matapos maikasal sa groom
Photo courtesy: Screenshots from Jay Ar Calimlim (FB) via Saksi

Binawian ng buhay ang isang bride na may iniindang karamdaman, ilang oras matapos silang maikasal ng kaniyang long-time boyfriend sa isang ospital sa Malasiqui, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng "Saksi," evening news program ng GMA Network, ikinasal pa rin ang mag-partner na sina Jenny Calimlim at Jayson De Guzman sa ospital dahil naka-confine at comatose ang una dahil sa brain tumor. Makikita sa video ni Jayson ang seremonya sa kanila ng pari habang nakahiga sa hospital bed ang bride.

Ilang oras lamang daw matapos ang seremonya ay binawian ng buhay si Jenny.

Naulila ni Jenny ang dalawang anak, na ang panganay ay 5-anyos at isang 6 na buwan.

Malungkot man daw ang kinasapitan ni Jenny, masaya na rin daw ang mga kaanak niya dahil natupad ang pangarap nitong maikasal.

Human-Interest

Walang Takas sa Batas: Paano kung si Gen. Torre humuli kay Sen. Bato?

Sa kaniyang Facebook post ay sinabi ni Jayson na mahal na mahal niya ang kaniyang misis na tinawag niyang "Ate Ko."

TINGNAN: Jay Ar Calimlim - Mahal na mahal kita palagi ateko | Facebook