September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ai Ai bet imbitahan si Yoda, nagbanta 'pag naranasan ng pet dog ang diskriminasyon

Ai Ai bet imbitahan si Yoda, nagbanta 'pag naranasan ng pet dog ang diskriminasyon
Photo courtesy: Ai Ai Delas Alas (FB)/via Balita

Gusto raw ma-meet ni Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas ang kontrobersiyal na aspin na hindi pinapasok sa isang naturingan pa namang "pet-friendly restaurant" matapos umalma sa social media ang furparent nito.

Isa nga si Ai Ai sa mga celebrity na nag-react sa nabanggit na insidente. Pet lover din kasi si Ai Ai, at sa katunayan, ibinida pa niya ang kaniyang pet dog na si Sailor.

Sey ni Ai Ai, gusto raw niyang makaharap ang aspin na si Yoda at ang fur parent nito.

"BABY SAILOR minsan invite naten si YODA kain tayo sa Lazy dog sa fremont.. tapos mag shopping kayo sa Palo Alto .." saad ng komedyana sa kaniyang Facebook post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hirit na "banta" pa ni Ai Ai, "naku wag kami ni sailor pag ginanun nyo kami ni Sailor humanda sila ....... iiyak ako ng sobra .. sabay Sailor bite ... chariz !!"

In a serious note, hindi man direktang tinukoy ay tila may mensahe ang "Tanging Ina" sa pamunuan ng pet-friendly resto na talaga namang pinutakti ng kritisismo sa social media, gayundin ng mga grupong nagsusulong sa karapatan ng mga pet at hayop.

TINGNAN: AiAi Delas Alas - BABY SAILOR minsan invite naten si YODA kain... | Facebook

"mag sorry kayo kay bebe pati sa fur parents ni YODA .. and mag karon kayo ng isang rule tungkol sa weight at mga patakaran nyo dyan... hindi yung kung ano ano nalang ." aniya.

Mababasa naman sa larawan nila ni Sailor ang text caption na "NO TO PET DISCRIMINATION."

MAKI-BALITA: Pet-friendly resto, nagsalita na sa isyu ng diskriminasyon sa aspin ng isang customer

MAKI-BALITA: Public apology ng 'pet-friendly' resto, hindi raw katanggap-tanggap?