Naglabas na ng pahayag ang pet-friendly restaurant hinggil sa umano’y hindi nila magandang pakikitungo sa aspin ng isa sa kanilang mga customer.
Matatandaang naglabas ng hinaing ang customer na si Lara Antonio sa kaniyang Facebook post matapos hind papasukin sa nasabing resto ang alaga niyang aspin na si Yoda dahil sa umano’y bigat nito.
Sa Facebook post ng Balay Dako nitong Lunes, Setyembre 9, humingi sila ng paumanhin hinggil sa umano’y misunderstanding sa kanilang pet policy.
“As a company that loves animals, we understand the importance of accommodating pets. However, we must also consider factors such as spacing and the safety of all our guests,” saad ng Balay Dako.
“We are currently reviewing our policy to ensure it is clear, fair, and balances the needs of both pet owners and non-pet owners,” anila.
Dagdag pa ng resto: “We will take steps to ensure that our staff are better trained and guided to understand and implement our policies effectively.”
Sa huli, hiniling ng Balay Dako na sana ay patuloy pa rin umano silang suportahan habang nagsisikap silang lumikha ng isang kapaligirang inklusibo at tumatanggap sa lahat.
MAKI-BALITA: Customer, dismayado sa pet-friendly resto; alagang aspin, na-discriminate?