September 17, 2024

Home BALITA

9 na magsasaka tinamaan ng kidlat; 2 kumpirmadong patay

9 na magsasaka tinamaan ng kidlat; 2 kumpirmadong patay

Tinamaan ng kidlat ang isang kubo sa Davao City na kinasisilungan ng 9 na magsasaka matapos bumuhos ang malakas na pag-ulan noong Martes, Setyembre 10, 2024.

Sa ulat ng Super Radio dzBB, dalawang babae ang kumpirmadong nasawi sa naturang pagtama ng kidlat habang sugatan ang apat pang babae at tatlong lalaki.

Idineklarang dead on arrival ang mga biktima na 49 at 53-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nag-aani umano ang mga biktima ng bumuhos ang malakas na pag-ulan kung kaya’t napilitan ang mga ito na pansamantalang sumilong sa isang kubo.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kuwento naman ng isang saksi sa Brigada News FM-Davao, malakas umano ang pagtama ng kidlat na naging sanhi rin ng pagkapunit ng dingding ng mga kubo bago nila tuluyang nakitang humandusay ang mga biktima.

Sinubukan pang rumisponde ng ilang kawani ng barangay upang lapatan ng paunang lunas ang dalawang nasawi, ngunit ayon sa kanila, malubha na ang lagay ng mga ito.

Kate Garcia