September 17, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Pusa sa Quezon, binalatan na ng buhay, binugbog pa ang ari!

Pusa sa Quezon, binalatan na ng buhay, binugbog pa ang ari!
Photo Courtesy: Lesly Sim (FB)

Kaaawa-awa ang sinapit ng crossbreed Siamese Maine Coon sa isang village sa Candelaria, Quezon kamakailan.

Sa Facebook post ng netizen na si Lesly Sim, sinabi niya na binalatan umano ng buhay at binugbog ang ari ng kaniyang alaga.

“Hindi to umaalis dto sa labas ng gate ko kaya ang kung sino man nanakit sa kanya, HUMANDA KA NA. Pangalawang pusa na to. Yung isa, bumalik dto may taga sa likod,” saad ni Lesly.

“BINALATAN NG BUHAY AT BINUGBOG ANG ARI,” dagdag pa niya sa caption ng post.

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Lesly, nagbigay siya ng update tungkol sa kalagayan ng pusa.

“Kamamatay lang po niya kahapon. 1:40 AM,” aniya.

Sa palagay ni Lesly, may notorious cat-killer umano sa kanilang village ayon na rin mismo sa kanilang mga kapit-bahay. 

“Kahit behave po si cat sa bakuran or sa street namin, di malayong may manakit. May dalawang witness po ako,” paglalahad niya.

Sa isang hiwalay na post, ibinahagi ni Lesly ang screenshot ng isang conversation kung saan sinasabi ng isang kausap na namatayan din umano sila ng pusa. Pag-uwi umano nila sa bahay ay naabutan nila itong puro taga sa leeg at may hiwa sa tenga.

Kaya naman paalala ni Lesly sa mga kapuwa niya pet-owner, ingatang mabuti ang kanilang mga alaga. Humanap ng ligtas na lugar para sa mga ito.

Sa kasalukuyan, may lumapit na raw kay Lesly para ituro ang suspek. Naiulat na rin umano niya sa homeowners association ang nasabing insidente.