October 11, 2024

Home BALITA National

'Bratinella to the max!' Castro, inalmahan 'di pagdalo ni VP Sara sa budget hearing

'Bratinella to the max!' Castro, inalmahan 'di pagdalo ni VP Sara sa budget hearing
MULA SA KALIWA: Rep. France Castro at VP Sara Duterte (House of Representatives/YouTube screengrab; file photo)

Tinawag ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte na “bratinella” matapos nitong hindi dumalo sa pagdinig ng Kamara hinggil sa ₱2.037 bilyong 2025 proposed budget ng Office of the Vice President (OVP) nitong Martes, Setyembre 10.

Sa kaniyang manipestasyon, iginiit ni Castro na isa umanong “pambo-boycott” ang ginagawa ni Duterte sa Kamara lalo na’t wala raw itong ipinadala kahigt isang kinatawan ng OVP.

“Ang ibig sabihin nito ay bino-boycott niya tayo. Pambo-boycott ito dahil wala pa akong natatandaan na ahensya ng gobyerno o executive branch na binoycott ang Kongreso dito sa budget hearing and deliberation. So, ang ibig sabihin nito ay betrayal of her oath of office,” giit ni Castro.

Inihayag din ng Makabayan solon ang kaniyang pagkadismayang hindi depensahan ni Duterte ang budget ng kaniyang opisina at nangangahulugan daw ba umano ito na inaabandona na ng bise presidente ang kanilang mga programa.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

“Ang ibig sabihin ba niyan ay inaabandona na niya ang mga pinaplano niya siguro na mga constituents niya na bibigyan niya ng mga program na ito,” ani Castro.

"So ang problema dito, talagang bratinella. Talagang bratinella. Bratinella to the max, na ayaw na ngang matanong, umiiwas sa mga tanong, at ito pa, kapag gusto nating tanungin, hindi uma-attend… Pasensya na po ang taumbayan, binoycott tayo ng Vice President,” saad pa niya.

Samantala, matatandaang nito lamang ding Martes ay naglabas na ng pahayag ang OVP hinggil sa kanilang hindi pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig para sa kanilang proposed budget sa fiscal year 2025.

MAKI-BALITA: OVP, nagsalita na hinggil sa hindi nila pagdalo sa budget hearing ng Kamara

Bukod dito ay nagpadala rin ng sulat si Duterte kay House Speaker Martin Romualdez hinggil dito.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinulatan si Romualdez hinggil sa proposed budget ng OVP

Samantala, nito lamang Lunes, Setyembre 9, nang igiit din ng bise presidente na hindi umano siya “spolied brat” o “bratinella.”

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya