September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Gigi De Lana, hiniling na kunin ni Lord ang mama niya

Gigi De Lana, hiniling na kunin ni Lord ang mama niya
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT), Gigi De Lana (FB)

Inamin ng singer na si Gigi De Lana na hiniling umano niyang kunin na ng Panginoon ang mama niya nang huli sila nitong mag-usap sa video call.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 8, sinabi ni Gigi ang dahilan kung bakit gusto na niyang ipagpasa-Diyos ang buhay ng kaniyang inang nakipaglaban sa stage 4 cancer.

“Kinausap ko si Lord. Sabi ko: ‘Lord, okay na po. Kunin mo na siya.’ [...] Hirap na hirap na siya, Ate Toni. ‘Yong face niya…namamaga na,” saad ni Gigi.

Dagdag pa niya: “After kong maligo, may tumatawag. Pagkasagot ko, lahat sila nag-iiyakan sa room. Alam ko na. And then, shock ako. ‘Yong mama ko nawala na.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pero kabaligtaran umano ang naramdaman ni Gigi nang tila tuparin ng Diyos ang kaniyang hiling para sa mama niya.

“Hindi pala, Hindi ako okay. Until now,” emosyunal na sabi ng singer.

Matatandaang kinumpirma ni Gigi ang pagpanaw ng kaniyang ina noong Mayo sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Nanay ni Gigi De Lana, pumanaw na dahil sa breast cancer