Kinumpirma ng singer na si Gigi De Lana na sumakabilang-buhay na ang kaniyang ina dahil sa iniinda nitong breast cancer.

Ayon kay Gigi, pumanaw ang kaniyang inang si Imelda na nakipaglaban sa stage 4 breast cancer nitong gabi ng Mayo 14.

"Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama. She passed away at 9:19pm May 14, 2024. Mahal na mahal kita mama. Pahinga ka na," ani Gigi, kalakip ang mga larawan ng kaniyang ina sa Facebook post.

Events

Apo Whang-Od gown ni Michelle Dee, ginaya ng contestant sa Miss U Thailand?

"Mahal na mahal kita."

"Pahinga ka na mama ko," saad naman niya sa kaniyang Instagram post.

Bumaha naman ng pakikiramay mula sa malalapit na katrabaho, celebrity, at netizens para kay Gigi.

Naging bukas na aklat sa lahat ang kondisyon ng nanay ni Gigi batay na rin sa mga panayam sa kaniya sa iba't ibang vlogs, kagaya na lamang kay ABS-CBN news anchor Karen Davila.

Lahat umano ng pagsisikap ni Gigi ay para sa kaniyang ina, lalo na nang magdesisyon siyang magpaputol ng buhok para pareho silang maiksi ang buhok ng ina, na noon ay sumasailalim sa chemotherapy.

Wala pang impormasyon mula kay Gigi kung saan ilalagak ang mga labi ng ina para sa mga nais makiramay.

MAKI-BALITA: Gigi De Lana may throat nodules; pokus muna sa nanay na may cancer