October 11, 2024

Home BALITA

Sigaw ni Sen. Risa: 'Mananagot ka, Apollo Quiboloy!'

Sigaw ni Sen. Risa: 'Mananagot ka, Apollo Quiboloy!'

Naglabas ng kaniyang pahayag si Sen. Risa Hontiveros hinggil sa balita ng pagkakasukol kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy nitong araw ng Linggo, Setyembre 8, batay sa post ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Mababasa sa latest Facebook post ng senador na mananagot si Quiboloy sa batas.

"Mananagot ka, Apollo Quiboloy. You cannot outrun the law. You will not further delay justice," aniya.

"Abot kamay na ng mga victim-survivors ang hustisya, salamat sa kanilang paglalakas-loob na magsabi ng katotohanan."

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"We commend our law enforcement agencies for their tireless efforts and dedication, despite Quiboloy's tactics."

"Magpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado para matuldukan ang sistematikong pang-aabuso sa mga pinakabulnerable sa lipunan."

"Bilang na ang araw ng tulad nilang naghahari-harian, nambabastos sa batas, at nang-aabuso sa kababaihan, kabataan, at kapwa nating Pilipino."

Si Hontiveros, na chair ng senate committee on Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, ang nagsiwalat ng umano'y mga labag sa batas na gawain ni Quiboloy sa miyembro ng kaniyang itinatag na relihiyon. Nahaharap sa mga kasong sexual abuse, child abuse, violence, at human trafficking ang pastor.

MAKI-BALITA: 'Nahuli na si Pastor Quiboloy!'—Abalos