January 15, 2025

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng umaga, Setyembre 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:46 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 22 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 21 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.