September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Sey mo Jennylyn? Kate Valdez, bet magpabuhat kay Dennis Trillo

Sey mo Jennylyn? Kate Valdez, bet magpabuhat kay Dennis Trillo
Photo Courtesy: Screenshot from GMa Network (YT), All-Out Sundays (IG)

Tila kilig na kilig ang Kapuso actress na si Kate Valdez kay Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Setyembre 6, naitanong kay Kate kung anong role ang bet niyang gampanan kung sakaling maging leading man niya si Dennis.

“Si Kuya Dennis po kasi he has strong features. So bagay siya sa action. So I guess ako po ‘yong lagi niyang ise-save, gano’n,” saad ni Kate. 

Hirit pa ng aktres: “Parang ang sarap sa feeling na bubuhatin…ay! Sorry po, Miss Jennylyn [Mercado].

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero kung si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang makakatambal ni Kate, gusto niya raw maging asyenderang mai-inlove sa amo. 

Maliban dito hiniling din ni Kate na sana ay makatrabaho niya si Asia’s Multimedia Star Alden Richards in the near future dahil ito ang paborito niyang leading man.

“Hindi ko pa rin siya nakakatrabaho,” sabi ng aktres na may tono ng panghihinayang. “I guess, one day sana, from friends to lovers. Parang KDrama feels po.” 

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, isiniwalat na ni Kate ang real-score sa pagitan nila ng ex-Pinoy Big Brother housemate na si Fumiya Sankai.

MAKI-BALITA: Kate Valdez, nagsalita na sa real-score nila ni Fumiya