January 15, 2025

Home BALITA National

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: PAGASA/FB

Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Sabado ng umaga, Setyembre 7.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:02 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 333 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 6 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.