September 16, 2024

Home BALITA National

Nagwagi ng 18.6M lotto jackpot, taga-Leyte!

Nagwagi ng <b>₱</b>18.6M lotto jackpot, taga-Leyte!
(unsplash)

Isang taga-Leyte ang pinalad na makapag-uwi ng ₱18.6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning numbers 13-11-30-23-21-07 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na premyong ₱18,683,725.20 jackpot.

Nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa isang lotto outlet sa Real St., Brgy. San Roque, Tanuan, Leyte.

Anang PCSO, mayroon lamang isang taon ang lucky winner upang i-claim ang kanyang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

National

Gener, napanatili ang lakas habang nasa baybayin ng Cagayan Valley

Kailangan lamang niyang iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong identification cards.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na patuloy na suportahan ang kanilang gaming products upang mas marami pa silang matulungan na mga nangangailangan.