September 19, 2024

Home BALITA National

MAY NANALO NA: ₱18M jackpot prize, nasolo!

MAY NANALO NA: ₱18M jackpot prize, nasolo!
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Solong maiuuwi ng lucky winner ang mahigit ₱18 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 5. 

Ayon sa PCSO, nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 13-11-30-23-21-07 na may kabuuang premyo na ₱18,683,725.20. 

Samantala, kailangan lamang aniya ng lucky winner na iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang identification cards.

Ang lahat ng lotto winnings na lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.