September 16, 2024

Home SPORTS

Marc Pingris, inalala pagbebenta ng margarine noon

Marc Pingris, inalala pagbebenta ng margarine noon

Pinusuan ng netizens ang pa-throwback ni former Gilas Pilipinas Power Forward Marc Pingris sa kaniyang Facebook account.

Sa kaniyang post nitong Miyerkules, Setyembre 4, 2024, ibinahagi ni Pinoy Sakuragi na naranasan niyang magtinda ng margarine noon sa palengke bago pa man maging sikat na basketbolista.

“Alam nyo ba mga kabsat na na-experience ko din magtinda ng margarine sa palengke noong 12 years old ako. Dito ako nagsimula at proud ako sa lahat,” saad ni Pingris.

Nag-iwan din siya ng isang inspirasyon para sa mga sumusubuok pa lamang sa kanilang mga pangarap.

Marcio Lassiter PBA record holder na; Beermen itinumba ang Ginebra

“Walang imposible. Maabot natin ang mga pangarap natin basta magsumikap lang tayo at magdasal mga kabsat. Laban lang!”

Matatandaang nag-retiro si Pingris sa Philippine Basketball Association (PBA) noong Mayo 2021, matapos ang 16 na taong karera sa liga.

Bukod sa isa sa mga nanguna para sa Gilas Pilipinas, kinikilala rin siya ngayon bilang isa sa mga Hall of Famer sa liga kung saan pasok siya sa 40 Greatest Players ng PBA.

Kate Garcia