September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Iya Villania, 'di na raw dadagdagan ang limang anak

Iya Villania, 'di na raw dadagdagan ang limang anak
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Integrated News (YT), Iya Villania (IG)

Hindi na nga ba talaga susundan ng "Chika Minute" showbiz news presenter na si Iya Villania-Arellano ang ikalima niyang anak?

Sa closing spiel ng 24 Oras kamakailan, binati ng batikang broadcast-journalist na si Mel Tiangco ang muling pagbabalik ni Iya sa nasabing flagship newscast program ng GMA Network.

"Welcome back from your two-day vacation," sabi ni Mel kay Iya.

Pabirong dagdag pa niya: "Ha? Tapos may baby nang dala, pang-lima? Ano ba 'yon, Drew? Drew, ngayon lang ako nakadinig ng ganyan, ha."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagtawanan tuloy sina Iya at ang iba pang kasamahan nilang mamamahayag sa 24 Oras dahil sa hirit ni Mel.

“Hay naku,” sabi ni Iya,” pero last na talaga. Last na talaga.”  

Matatandaang inanunsiyo ni Iya ang kaniyang pagdadalang-tao sa ikalima nilang baby ni Drew Arellano pamamagitan ng isang Instagram post kamakailan.

MAKI-BALITA: 'Basketball team na!' Drew Arellano, Iya Villania magkakaanak na naman

Pero bago pa man ito ay napagkamalan na rin last year na buntis si Iya dahil sa isang TikTok video niya na sumasayaw.

MAKI-BALITA: 'May biyahe pa si Drew!' Iya Villania, sinagot kung buntis ba siya ulit