Tila handang isakripisyo ng aktor na si Elijah Canlas ang kaniyang karera sa showbiz para sa mga bagay na pinaniniwalaan at ipinaglalaban niya.
Sa segment na “You Talk” ng programang “YSpeak 2.0” kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa mga artistang tahimik sa mga isyu ng bayan dahil sa posibilidad na makompromiso ang kanilang trabaho.
“Ako, generally wala akong paki,” sabi ni Elijah. “Wala akong paki masyado sa career ko yata. Parang I just go out there and protest in the streets, I speak my mind.”
“And also bilang iskolar ng bayan, feeling ko, responsibilidad ko ‘yon na mag-speak up at lumaban para sa mga nasa laylayan, para sa mga nasa marginalized,” dugtong pa niya.
Pero kumambiyo rin naman nang kalaunan sii Elijah at sinabing mayro’n naman siyang konting pakialam sa career niya bilang artista.
“Baka isipin nila wala talaga, e,” natatawang saad niya.
Matatandaang noong Nobyembre 2025 ay kabilang si Elijah sa mga celebrity na dumalo sa ginanap na ikalawang bugso ng Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument.
Maki-Balita: Catriona Gray, Elijah Canlas, iba pang artista inaasahang dadalo sa Trillion Peso rally sa EDSA!