December 21, 2025

Home BALITA National

Batanes, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Batanes, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Courtesy: PAGASA/FB

Niyanig ng 4.4-magnitude na lindol ang Batanes nitong Biyernes ng umaga, Setyembre 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:28 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 14 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Uyugan, Batanes na may lalim na 5 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Basco, BATANES.

National

'Huwaran ng integridad!' House Speaker Bojie Dy, nakiramay sa pagpanaw ni Rep. Romeo Acop

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.