Niyanig ng 5.0-magnitude na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 6.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:39 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 3 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Glan, Sarangani na may lalim na 22 kilometro.
Naiulat ang Intensity II sa CITY OF GENERAL SANTOS; Kiamba, SARANGANI.
Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Kiamba, SARANGANI
Intensity II - Maitum, Malungon, SARANGANI; CITY OF GENERAL SANTOS, Tupi, SOUTH COTABATO
Intensity I - Magsaysay, DAVAO DEL SUR; Maasim, at Glan, SARANGANI; Tampakan, Koronadal City, Lake Sebu, SOUTH COTABATO
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.