September 16, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Pang-SEA Games kaya? Maris Racal sumabak sa gymnastics training

Pang-SEA Games kaya? Maris Racal sumabak sa gymnastics training
Photo courtesy: Maris Racal (IG)

Carlos Yulo who?

G na G ang Kapamilya actress na si Maris Racal na sumabak sa kaniyang gymnastics training na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account.

Ang ibinahaging training ni Maris ay tila pasilip sa preparasyon niya noong 2023 sa pelikulang kaniyang pagbibidahan para sa 2024 Toronto International Film Festival (TIFF) ngayong taon, ang “Sunshine,” sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

“Grabeng sakit sa katawan ang pinagdaanan namin last 2023,” saad ni Maris sa naturang post.

Pelikula

Dekada '70, libreng mapapanood sa GSIS Theater!

Kasama sina Annika Co, Jennica Garcia, Elijah Canlas, Meryll Soriano, at Xyriel Manabat, ang "Sunshine" ay tungkol sa kuwento ng isang batang gymnast, na sa gitna ng pagsubok para sa national team ay natuklasang buntis pala siya.

“These topics have always been taboo in the Philippines because of our deeply conservative roots, but when cases of teenage pregnancy and self-induced abortions rise every year, it is imperative that these stories be told,” saad ni Direk Jadaone sa isang panayam sa media.

Tinatayang nasa 43 pelikula ang nakahanay sa TIFF mula sa 41 na bansa kasama ang Pilipinas kung saan tanging ang Sunshine lang ang nag-iisang Filipino film entry sa naturang film festival.

Kate Garcia