January 15, 2025

Home BALITA National

Inflation sa 'Pinas, bumagal sa 3.3% nitong Agosto -- PSA

Inflation sa 'Pinas, bumagal sa 3.3% nitong Agosto -- PSA
MB file photo

Bumagal sa 3.3% ang inflation sa bansa nitong Agosto mula sa 4.4% na datos noong buwan ng Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Setyembre 5.

Sa tala ng PSA, ang naturang pagbaba ng inflation noong nakaraang buwan ang nagbunsod sa 4.9% na national average inflation mula Enero hanggang Agosto 2024. 

Mas mababa rin daw ang naturang datos nitong Agosto kung ikukumpara sa inflation rate noong kaparehong buwan ng 2023 na 5.6%.

“The downtrend in the overall inflation in August 2024 was primarily brought about by the lower year-on-year growth rate in the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages index at 5.8 percent in August 2024 from 8.3 percent in the previous month,” anang PSA.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

“The transport index recorded an annual decline of 0.1 percent during the month from a 3.6 percent year-on-year increase in July 2024,” dagdag nito.

Samantala, binanggit din ng PSA na nakita ang mas mabagal na annual increase sa mga index ng mga sumusunod na commodity groups sa naturang buwan:

a. Alcoholic beverages at tobacco, 3.7% mula 3.9%;

b. Clothing at footwear, 2.7% mula 3.0%;

c. Health, 2.2% mula 2.4%;

d. Education services, 5.6% mula 6.2%

e. Restaurants at accommodation services, 4.4% mula 4.6%; at

f. Personal care, at miscellaneous goods and services, 3.3% mula 3.4%.