September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sarah Geronimo, nagpasalamat sa nagpa-viral ng 'Maybe This Time'

Sarah Geronimo, nagpasalamat sa nagpa-viral ng 'Maybe This Time'
Photo courtesy: Ralp Xyrel Villaruz (TikTok)/via Balita

Nagpasalamat si Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo sa male student na nagpa-viral sa kaniyang matagal nang awiting "Maybe This Time" na naging soundtrack pa nga ng pelikula niyang may kaparehong pamagat noong 2014, katambal si "FPJ's Batang Quiapo" star-director Coco Martin.

Marami na nga sa mga celebrities ang nakigaya na rin sa Maybe This Time dance challenge sa TikTok, na originally ay ginawa ni Ralp Xyrel Villaruz habang nagpapalipas ng pagkainip sa loob ng kanilang klasrum.

Dahil dito, napansin siya ng marami at na-guest pa nga sa "It's Showtime" at "ASAP" kamakailan.

Sa isang ambush interview habang kasama ni Sarah ang mister na si Matteo Guidicelli, sinabi ng Popstar Royalty na nagpapasalamat siya kay Ralp dahil biglang sumikat ulit ang kaniyang ni-revive na kanta.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Salamat kay Ralp, dahil muling nakilala ang awitin nating Maybe This Time," aniya.

"See you soon Ralp!" pahayag pa ni Sars.

Wow at talagang mukhang sinusuwerte si Ralp dahil makakadaupang-palad niya soon ang isa sa mga tinitingala at iniidolong singer-actress sa bansa!