September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Ella Cruz, binanatan isang satire Facebook page: 'Ipakukulong ko kayo!'

Ella Cruz, binanatan isang satire Facebook page: 'Ipakukulong ko kayo!'
Photo Courtesy: Ella Cruz (FB)

Tila hindi na nakapagpigil pa ang Millennial Dance Princess na si Ella Cruz sa isang satire Facebook page na ginagamit ang mga larawan at pangalan niya.

Sa Facebook post ni Ella noong Lunes, Setyembre 2, sinabi niya na hindi raw niya palalampasin pa sa ikalawang pagkakataon ang ginagawa ng mga admin sa likod ng nasabing FB page.

Ayon kasi sa post ng FB page na “Ppop latest chika updatez,” sinabi umano ni Ella na hindi raw niya maintindihan kung bakit kailangang magsuspend ng klase dahil sa bagyo.

“Hindi dapat hadlang ang malalakas na ulan at hangin sa pag-abot mo sa pangarap mo,” saad sa post.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaya buwelta ni Ella: “Unang beses na pinost nyo ko pinalampas ko pero etong pangalawa di ko pababayaan. Sa siyam na admin at lalo sayo Mina Okada na hindi kaya maglabas ng tunay na pangalan, na paborito akong topic dahil siguro mataas reach niyo kapag ako post nyo, gets ko naman na trabaho nyo yan at paninira at pagkakalat ng maling impormasyon ang nagpapalamon sa inyo kaya sige ibibigay ko na yung pansin na hinahanap nyo.” 

"May disclaimer na satire, oo. Pero nakakalungkot na sadyang andaming naniniwala agad sa mga UNANG NABABASA lamang nila,” aniya.

Dagdag pa niya: “Lahat na lang paniniwalaan agad, lahat na lang may nasasabi agad. Nakakalungkot na ganun na tayo kabilis maniwala sa kung ano lamang una natin nakikita."

Samantala, sa isang hiwalay na post, isa-isang inilatag ni Ella ang code na ginagamit ng siyam na admin ng Ppop latest chika updatez.

“Pangako,” sabi pa niya. “Ipakukulong ko kayo: Winter Xoda, Una Vittia, Miyeon Archive, Jiyun Hwee,Kenzo Shibama, Analyn Restricted, Thalia Huxley, Mina Okada, Lucy Pearl, Analyn Restricted II.”