April 15, 2025

Home BALITA Metro

2 bebot na magkaangkas sa motorsiklo, naaksidente, patay!

2 bebot na magkaangkas sa motorsiklo, naaksidente, patay!
MPD PIO

Patay ang dalawang babaeng magkaangkas sa isang motorsiklo nang bumangga ang kanilang sinasakyan sa center island sa Sampaloc, Manila nitong Martes, Setyembre 3.

Kinilala ang mga biktima na sina Reana Antoinette Tomas, 23, ng San Antonio, Parañaque City at Ana Mae Adlaon, ng Misamis Oriental.

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nabatid na dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng Lacson Avenue, pababa sa Nagtahan bridge, kanto ng G. Tuazon St. sa Sampaloc.

Kasalukuyan umanong minamaneho ni Tomas ang motorsiklo, angkas si Adlaon, nang pagsapit sa pababang bahagi ng Nagtahan bridge ay bigla na lang siyang nawalan ng kontrol sa behikulo.

Metro

Paalala ng MMDA sa mga motorista ngayong Mahal na Araw: ‘Maging alerto sa kalsada!’

Dahil dito, bumangga ang motorsiklo sa center island na nagresulta sa pagtilapon nila sa sementadong kalsada.

Kaagad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Triple D Philippine Eagle ngunit patay na ang mga biktima.