November 26, 2024

Home BALITA National

Matapos mag-landfall sa Casiguran: Enteng, nasa Quirino na

Matapos mag-landfall sa Casiguran: Enteng, nasa Quirino na
Courtesy: PAGASA/FB

Matapos mag-landfall sa Casiguran, Aurora, kumikilos na ang Tropical Storm Enteng sa lalawigan ng Quirino, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes, Setyembre 2.

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyong Enteng sa vicinity ng Maddela, Quirino.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour, at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-north northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Dahil dito, nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Ilocos Norte

Apayao

Eastern portion ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, City of Tabuk)

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Isabela

Quirino

Northern portion ng Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dipaculao, Baler)

Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:

Batanes

Ilocos Sur

La Union

Eastern portion ng Pangasinan (Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, San Nicolas)

Abra

Mga natitirang bahagi ng Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Nueva Vizcaya

Mga natitirang bahagi ng Aurora

Nueva Ecija

Eastern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, City of San Jose del Monte, Obando, City of Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Bustos, Baliuag, Pandi, Santa Maria, Marilao, Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel)

Metro Manila

Rizal

Northeastern portion ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan)

Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang na ang Polillo Islands

Ayon sa PAGASA, inaasahang patuloy na kikilos ang bagyong Enteng pahilaga hilagang-kanlura o pahilaga sa Cagayan Valley o northern Cordillera Administrative Region bago magtuna pakanluran hilagang-kanluran sa Babuyan Channel bukas ng Martes ng umaga, Setyembre 3.

Samantala, inaasahang lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category bukas ng tanghali o gabi, Setyembre 3, o sa Miyerkules ng umaga, Setyembre 4, at sa “typhoon” category pagsapit ng Huwebes, Setyembre 5.

Posible raw na lumabas ang Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Miyerkules ng umaga o tanghali.