September 20, 2024

Home SPORTS

Luis Manzano, payag bang gumanap na Carlos Yulo sa pelikula?

Luis Manzano, payag bang gumanap na Carlos Yulo sa pelikula?
Photo courtesy: via Balita

Natanong si two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na kung sakaling gagawan ng biopic movie ang kaniyang buhay, sinong artista ang napipisil niyang gumanap sa kaniya?

Muli na naman kasing nadagdagan ang nag-uumapaw na cash incentives at rewards ni Caloy matapos siyang pagkalooban ng ₱5 milyon ng DigiPlus at ArenaPlus, nitong Sabado, Agosto 31, sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.

MAKI-BALITA: Limpak-limpak na! Carlos Yulo, nadagdagan na naman ng ₱5M

Dito nga ay natanong siya ng isang miyembro ng media kung sino sa mga local artist ang naiisip niyang gumanap na Carlos Yulo, na magiging challenging dahil siyempre, kailangang malapit kahit paano ang physical attributes nito sa physique ni Golden Boy.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Medyo nahirapang mag-isip si Caloy, pero hirit niya, "Si Kuya Luis na lang po!"

Si Luis na tinukoy niya ay ang Kapamilya TV-host na si Luis Manzano.

Pero kidding aside, walang ibang naisip si Caloy dahil pag-amin niya, hindi raw siya mahilig manood ng mga palabas sa telebisyon dahil mas nakapokus ang kaniyang atensyon sa trainings.

In fairness, payag daw siya kung sakaling magkaroon siya ng cameo role sa "FPJ's Batang Quiapo."

"Kung iimbitahan po ako ni Sir Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ kahit isang shooting day lang, papayag ako. Game na game po ako. Bahala na po si Direk Coco kung ano ‘yong magiging role ko,” aniya.

Kamakailan lamang ay nagkaharap sina Coco at Caloy sa ABS-CBN compound nang magsadya ang huli para sa ilang TV guestings niya sa Kapamilya Network.

Ang tanong, papayag ba si Luis kung sakaling siya ang gaganap na Carlos Yulo sa pelikula? Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang TV host patungkol dito.