September 18, 2024

Home BALITA Politics

DUTERTE-DUTERTE sa 2028? Panelo, pinupush ang tandem ng mag-amang Duterte

DUTERTE-DUTERTE sa 2028? Panelo, pinupush ang tandem ng mag-amang Duterte

Sinabi ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo na si Vice President Sara Duterte ang pinakamalakas na kandidato sa pagkapangulo sa 2028 national elections.

Sa isang press conference nitong Sabado, Agosto 31, itinanong kay Panelo kung ano ang napag-usapan nila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa telepono. 

Wala naman daw nabanggit ang dating pangulo tungkol sa anak niyang si VP Sara. 

Ngunit nabanggit ni Panelo na si VP Sara daw ang pinakamalakas na kandidato sa pagkapangulo sa 2028 national elections. 

Politics

Panelo kay De Castro: 'Kung makapagsalita siya, siya nga ang pinakainutil na bise presidente'

Dagdag pa niya, siya rin daw ang nag-launch ng Duterte-Duterte tandem.

"Ako ang advice ko sa kanya [Rodrigo Duterte] is this: 'Mr. President, ang advice ko sa iyo tumakbo ka munang mayor dahil kung ayaw na ni Baste tumakbo. Kailangan mo ang Davao," ani Panelo.

"Sabi ko, tumakbo kang mayor, and then sa 2028, mag-resign ka tumakbo kang vice president ng anak mo. 'Pag Duterte-Duterte, maniwala ka, lahat ng mga kaalyado mo na bumaliktad lahat, babalik sa'yo 'yan bago magkaroon ng halalan. Bakit? Siguradong kayo ang panalo. Napakalakas n'yong mag-ama. Walang makakatalo sa inyo kahit ano pang gawin," dagdag pa niya.