December 19, 2025

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

 

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng gabi, Agosto 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:04 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 63 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Bayabas, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

National

Rep. Cendaña sa pagkamatay ni Usec. Cabral: 'Will the truth die with her?'

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.