September 19, 2024

Home BALITA National

'Na-Guo rin?' Atty. David, 'di raw nagsinungaling nang sabihin niyang nasa Pinas pa si Alice Guo

'Na-Guo rin?' Atty. David, 'di raw nagsinungaling nang sabihin niyang nasa Pinas pa si Alice Guo

Sinabi ni Atty. Stephen David na hindi raw siya nagsinungaling nang sabihin niya kamakailan na nasa Pilipinas pa ang kliyente niyang si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Matatandaang sinabi ni David noong Agosto 19 na nasa Pilipinas pa si Guo nang pumutok ang balitang nasa Kuala Lumpur, Malasyia na ito noon pang Hulyo 18.

"Kanina no'ng pumutok 'yang Balita, tinawagan ko siya [Guo]. Sabi ko, 'hinahanap ka na naman dito. Nasaan ka ba? Nakalabas ka na ba ng Pilipinas?' Sabi niya, hindi," paglalahad ng abogado ni Guo.

BASAHIN: 'NASAAN BA TALAGA?' Alice Guo, nasa Pilipinas pa rin

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Nitong Biyernes, Agosto 30, sinabi ni David na hindi siya nagsinungaling bagama't naniwala umano siya sa sinabi ng kaniyang kliyente.

"I relied on our client's representations and disclosures in good faith, trusting in the accuracy and honesty of the information provided," ani David sa ulat ng ABS-CBN News.

"I have always reminded clients to be fully transparent and forthright in all disclosures...Consistent with my high respect for attorney-client privilege and our fiduciary relationship, I ensure fidelity to my clients and repose my trust in them," dagdag pa niya.  

Kaugnay nito, noong Huwebes, Agosto 22, nang mahuli ng mga awtoridad sa Indonesia ang kapatid ni Guo na si Sheila Guo at kaibigan niyang si Cassandra Li Ong, at naiuwi sa Pilipinas sa araw ding iyon.

MAKI-BALITA: Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

Sa pagdinig naman ng Senado nito lamang Martes, Agosto 27, isinalaysay ni Shiela kung ano ang mga sinakyan niya para makaalis ng Pilipinas kasama ang tinanggal na alkalde at isa pa nilang kapatid na si Wesley Guo.