December 03, 2024

Home BALITA National

'NASAAN BA TALAGA?' Alice Guo, nasa Pilipinas pa rin

'NASAAN BA TALAGA?' Alice Guo, nasa Pilipinas pa rin
Mayor Alice Guo (file photo)

Nasa Pilipinas pa rin daw si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Stephen David.

Sinabi niya ito matapos isiwalat ni Senador Risa Hontiveros na nasa Kuala Lumpur, Malaysia na si Guo noon pang Hulyo 18.

BASAHIN: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros

Sa panayam ni Atty. David sa TeleRadyo Serbisyo nitong Lunes, Agosto 19, sinabi niyang nasa Pilipinas pa rin si Guo.

National

Malaking bahagi ng bansa, patuloy na uulanin dahil sa amihan, shear line

"Kanina no'ng pumutok 'yang Balita, tinawagan ko siya [Guo]. Sabi ko, 'hinahanap ka na naman dito. Nasaan ka ba? Nakalabas ka na ba ng Pilipinas?' Sabi niya, hindi," paglalahad ng abogado ni Guo.

"Kasi sabi ko, 'gusto ko malaman kung nandito ka sa Pilipinas o hindi para 'yung legal strategy ko eh maayos ko. Kasi kung wala ka sa Pilipinas, paano tayo haharap? Eh kung wala ka naman sa Pilipinas, kung 'yun talaga desisyon mo, mayroon naman tayong option d'yan. Sabihin mo lang sa akin kung nakalabas ka na. Kung nakalabas ka na edi pumunta tayo sa bansa na may political asylum at doon tayo gumawa ng mga dokumento para makalaban tayo. Hindi 'yung wala ka sa Pilipinas tapos hindi mo sabihin sa akin king nasaan ka'," paglalahad pa ni David.

Dagdag pa niya, "Assurance naman niya sa akin nandito naman siya."

Nauna na ring sinabi ng Department of Justice (DOJ) na walang indikasyon na nakalabas na ng Pilipinas si Guo.

"As far as we know, Mayor Guo is still in the country,” saad ni DOJ Assistant Secretary Jose Dominic F. Clavano IV nitong Lunes ng hapon.

“There has been no report to us of an attempted departure from the Bureau of Immigration,” dagdag pa niya.

Hinihintay rin nila ang National Bureau of Investigation (NBI) para beripikahin kung authentic ang mga dokumentong ipinadala sa Senado tungkol sa pag-alis ni Guo sa Pilipinas.

“We are currently awaiting official verification from National Bureau of Investigation if the documents attributed to them are authentic. We will continue to gather information from both the Bureau of Immigration and the NBI," ani Clavano.

At kung totoo raw na umalis na sa bansa si Guo, magsasagawa raw sila ng masusing imbestigasyon kung sino ang pananagutin sa naturang pangyayari. 

Ang tanong ngayon ng taumbayan: Nasaan ba talaga si Alice Guo?