September 16, 2024

Home FEATURES Lifehacks

ALAMIN: Saan nga ba makakakuha ng libreng ticket para sa 2024 Manila International Book Fair?

ALAMIN: Saan nga ba makakakuha ng libreng ticket para sa 2024 Manila International Book Fair?
Photo courtesy: Manila International Book Fair (FB)

Ilang araw bago ang pagbabalik ng isa sa mga pinakamalaking book fair sa bansa. Alamin ang ilang book stores na nagbibigay ng libreng entrance ticket.

Sa Setyembre 11-15, 2024 magsisimula ang taunang Manila International Book Fair na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Bunsod nito, ay nauna na ngang maglabas ang ilang bookstores kung paano makakakuha ng libreng ticket para sa event.

Fully Booked

Lifehacks

'Pagod na kaka-swipe?' Lalaki, ibinalandra sarili sa billboard para makahanap ng ka-date!

Sa kanilang Facebook Page, inanusyo nila ang kanilang pagbalik sa MIBF kung saan kasabay din nito ang pamimigay nila bookmark ticket. “Admissions for two” ang katumbas ng isang bookmark ticket, katulad ng nauna na rin nilang free ticket noong 2024 MIBF.

Maaaring makuha ang bookmark ticket sa Luzon branches ng Fully Booked maliban sa Fully Booked Baguio.

Pilot Pens Philippines

Sabay sa promosyon ng kanilang booth number sa MIBF, printable tickets naman ang hatid ng Pilot Pens Philippines. Bisitahin lamang ang kanilang Facebook Page kung saan maaaring idownload mula sa posted link ang free tickets.

Maaari na ring dumirekta sa link na ito: https://tinyurl.com/PILOTMIBF2024FREETICKETS

National Bookstore

May hatid ding Free Entrance ticket para sa MIBF ang National Bookstore kasama ang ilang free cashbacks, mula sa kanilang anunsyo sa kanilang Facebook Page.

Ang printable tickets ay maaaring idownload sa caption ng kanilang post at qr code.

Maaari na ring dumirekta sa link na ito: bit.ly/nbs2024mibfticket

Tankobonbon Manga Bookstore & Lounge 

Hindi rin nagpahuli sa anunsyo ang Tankobonbon Manga Bookstore & Lounge na hatid din ang isang printable ticket mula sa kanilang Facebook page.

Maaari ring makakuha ng libreng tickets mula sa kanilang physical stores.

Maaari na ring dumirekta sa link na ito: bit.ly/MIBF2024ticketKPub PH

KPub PH

Nag-anunsyo rin ang KPub PH ng kanilang entry sa darating na 2024 MIBF kasama na rin ang handog nilang free tickets. Maaring idownload at iprint ang ticket mula sa kanilang Facebook Page.

Maaari na ring dumirekta sa link na ito: https://bit.ly/MIBFTICKET

Samantala, ang ticket pricing naman ng MIBF nagkakahalaga ng ₱35 para sa regular adult at ₱20 para sa mga estudyante at PWD. 

KATE GARCIA