September 20, 2024

Home SPORTS

ALAMIN: Bagong schedule ng PVL Semis matapos ang kanselasyon ngayong araw

ALAMIN: Bagong schedule ng PVL Semis matapos ang kanselasyon ngayong araw

Inanunsyo nitong Huwebes, Agosto 29, 2024 ang postponement ng semi-finals knockout game ng Premier Volleyball League.

Kinumpirma ng PVL organizers ang kanselasyon matapos umano ang patuloy na power outage sa Pasig City kung nasaan ang venue na gaganapin sa PhilSports Arena.

Nauna nang naanunsyong magaganap ang bakbakan ngayong araw ng Huwebes.

Kasama sa anunsyo ang bagong schedule ng liga na nakatakdang ituloy sa Linggo, Agosto 31 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Bunsod nito, inilipat na rin ang finals mula Agosto 31 sa Setyembre 2 na gaganapin naman sa SMART Araneta Coliseum sa Quezon City.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Matatandaang kinumpleto ng Creamline Cool Smashers ang huling slot ng semis matapos ang sweep match-up nito kontra PetroGaz Angels. Haharapin ng Creamline ang nagbabalik semis na koponan ng Cignal HD spikers.

Samantala, sa opening game naman magtatangkang sungkitin ng Akari Chargers ang finals ticket kontra PLDT High Speed hitters upang ituloy ang kanilang winning streak sa liga.

Akari ang pinakabata at pinakabagong koponang sasalang sa semi-finals ng liga kontra sa tatlong beteranong koponan ng Cignal, Creamline at PLDT.

Kate Garcia