September 18, 2024

Home BALITA Metro

₱2K grad gift para sa PLM at UDM graduates, inaprubahan ni Lacuna

₱2K grad gift para sa PLM at UDM graduates, inaprubahan ni Lacuna

Magandang balita dahil inaprubahan na ni Manila Mayor Honey Lacuna ang isang ordinansa na magkakaloob ng tig-₱2,000 graduation gift para sa mga graduates ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM). 

Nabatid na nilagdaan ni Lacuna nitong Huwebes ng umaga, ang Ordinance Number 9068, na ipinasa ng City Council.

Nagsilbi namang principal authors nito sina Councilor Pamela Fugoso-Pascual at majority floor leader Councilor Ernesto C. Isip, Jr..

Ayon kay Lacuna, ang naturang P2,000 “Taas-Noo Manileño Graduation Gift” ay ipagkakaloob sa mga UdM at PLM graduates, simula noong School Year 2023-2024.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

Ang PLM at UDM ay kapwa city-funded at operated na higher education institutions ng lungsod ng Maynila.