September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pia umawra, ibinida ang serpent necklace; pasaring kay Heart?

Pia umawra, ibinida ang serpent necklace; pasaring kay Heart?
Photo courtesy: Screenshots from Pia Wurtzbach (IG)

Matapos pag-usapan ang pagsusuot ng luxury necklace ng pet dog ni Heart Evangelista na si Panda kamakailan, heto at tila may "clap back" na raw si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos mag-post ng video habang suot ang serpent necklace na kaniyang ineendorso.

"An enchantment," saad ni Pia sa kaniyang Instagram post.

Napakomento naman dito ang renowned Filipino designer na si Michael Cinco.

"Class," saad ni Cinco.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Saad naman ng isa pang renowned designer na si Mark Bumgarner, "THIS.IS.FIREEEEE."

Nakakaloka naman ang mga netizen dahil naikonekta na naman nila ito kay Heart.

Bintang kasi ng mga netizen, kaya raw parang bitter ang isa ay dahil hindi siya kinuhang endorser ng nabanggit na brand, na napunta naman kay Pia.

MAKI-BALITA: Pa-necklace ni Heart kay Panda, hindi hiram at pag-aari niya; may pinatamaan ba?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"all rich people could buy Bvlgari but not all of them could be an endorser."

"Yung Hindi sya kinuha kaya sa aso na lang nya pinalusot hahaha"

"Don't tell me may magba-vlog na naman na kinopya ni Pia na naman to. Sino na ba yun...dyesson ba yun? Grabe hate nun kay Queen Pia. Now mauutal-utal na naman yun. Ms. Pia, nandito lang kami. Nag-iisa ka po."

"Very demure, very classy, very mindful queen."

"Yan Ang gayahin mo @iamhearte beauty with the heart."

Samantala, kamakailan lamang ay nagsalita na si Heart tungkol sa isyu, sa pamamagitan ni Nelson Canlas.

Ani Heart, gagawin niya ang gusto niya sa necklace at ipapasuot kung kanino niya gusto, kahit sa pet dog niyang si Panda.

MAKI-BALITA: Heart, nangangagat at palaban na: 'I bite now, in a very sweet way, pero masakit!'

Hindi raw niya ito hiniram bagkus ay pagmamay-ari niya.

Kaya naman lalong umingay ang mga espekulasyong pasaring niya ito sa endorser ng necklace na si Pia.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito ang kampo ni Heart.