October 05, 2024

Home FEATURES Human-Interest

102-anyos na lola, kumasa sa skydiving sa kaniyang kaarawan

102-anyos na lola, kumasa sa skydiving sa kaniyang kaarawan
Photo courtesy: Goldster Facebook Page

Isang lola mula sa United Kingdom ang game na game na nag-skydiving sa araw ng kaniyang kaarawan nitong Linggo, Agosto 25 sa Beccles Airfield.

Sa post ng Goldster sa kanilang Facebook Page, ka-tandem ni Mannette Baillie, 102 si Callum Kennedy nang tumalon sila sa taas na 7,000 feet kasama rin ang iba pang skydivers.

Sa isang panayam ni Goldster CEO Mike Reid, tinanong niya ang sikreto ni Baillie sa kaniyang mahabang buhay.

“Laughter and adventure lead to well-being and fulfillment,” saad ni Baillie.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Matapos ang skydiving, sinalubong siya ng East Anglian Air Ambulance at UK Parachuting kung saan iginawad sa kaniya ang mensahe ni William, Prince of Wales. Sa pagtatapos ng selebrasyon, hinarana si Mannette ng Moondancers Jazz Band ng mga tugtugin noong 50s at 60s.

Kate Garcia