September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jake Cuenca, nakikini-kinita na ang pagpapamilya

Jake Cuenca, nakikini-kinita na ang pagpapamilya
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT), Freepik

Ano na nga ba ang plano ng aktor na si Jake Cuenca tungkol sa pagbuo ng pamilya lalo na ngayong malapit na siyang mag-kwarenta anyos?

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano kamakailan, sinabi ni Jake na bagama’t nakikita na raw niya ang pagpapamilya, hindi raw niya ito minamadali.

“To be honest, right now, parang I can see it but I’m just not rushing into it and at the same time the person I’m with has also big dreams.

“So for me, the more immediate thing to do is parang magtulungan tayo. And I’ll help you achieve them and when the timing feels right,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Matatandaang si Kapamilya actress Chie Filomeno ang kasalukuyang babae sa buhay ni Jake. In fact sa naganap na “Hot Summer LaHot Sexy 2023” ay nilinaw na ng aktor ang real-score sa pagitan nilang dalawa.

Nagsimula ang usap-usapan na nililigawan umano ni Jake si Chie noong mapansin ng mga netizen ang walang humpay na pagkokomento ni Jake sa mga sexy photos ni Chie.

MAKI-BALITA: Jake Cuenca, may sey na sa real score nila Chie Filomeno!