September 14, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Hyperrealistic paintings ng visual artist sa Occidental Mindoro, hinahangaan

Hyperrealistic paintings ng visual artist sa Occidental Mindoro, hinahangaan
Photo courtesy: Nestor Abayon, Jr. (FB)

Patuloy na hinahangaan ng mga tao ang mga likhang-sining ng full-time visual artist na si Nestor Abayon Jr., 27-anyos, mula sa Rizal, Occidental Mindoro dahil sa halos makatotohanan na niyang pagpinta, na maikukumpara na sa isang still picture na kuha sa totoong bagay o tao.

Tampok sa mga pinta ni Nestor ang iba't ibang mga subject tulad ng bata, matanda, hayop, teddy bear, at maging mga sikat na celebrity kagaya nina Iza Calzado, Ivana Alawi, at marami pang iba.

- Nestor Abayon Jr. | Facebook

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Nestor, naibahagi niya kung kailan siya nagsimulang mag-full-time sa pagpinta ng paintings na nasa hyperrealism. Ang hyperrealism ay isang genre ng painting at sculpture na maihahalintulad na sa isang high-resolution photograph.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

"Nag-start po ito year 2019 before pandemic. At mas lalo ko pa po ito nahasa noong 2020 dahil sa pandemic. Mas nabigyan ko pa ng oras ang passion ko sa art," anang visual artist.

Ilang araw, linggo, o buwan natatapos ang isang hyperrealistic painting?

"Sa sobrang detailed po ng mga paintings, inaabot po ito ng 1-3 months bago matapos," tugon niya.

Sa lahat ng mga nagiging subjects niya, alin ang pinakagusto niya?

"Mostly ang mga kinukuha kong mga subject ay mga bata. Doon kasi nakapaikot 'yong style ko ngayon, sa kung ano ako noong bata pa ako," aniya.

"Sa madaling salita 'yong theme ko is 90’s era like tagu-taguan, tumbang preso, luksong tinik, at kung ano-ano pa."

Natanong din ang visual artist kung madali lang bang matutong magpinta.

"Madali lang naman matuto ng painting, basta willing kang matuto walang impossible. Nag-start lang din ako sa kakapanood ko ng YouTube videos at kaka-research. Pero bata pa lang ako nagdo-drawing na ako since grade 1, pinupuno ko ng mga drawings 'yong mga notebooks ko."

Kaya mensahe ni Nestor sa mga kagaya niyang visual artists, "Ang mensahe ko lamang is mahalin natin kung ano ang gusto ng ating puso, sikapin nating matuto sa mga bagay na nagpapasaya sa atin. Galingan pa rin natin kahit ayaw na nating galingan, sipagan pa rin natin kahit ayaw na nating sipagan. Walang nagsisimulang magaling agad, walang nagsisimula sa kalahati, lahat nagsisimula sa pagiging baguhan, and never give up."

Mabuhay ka, Nestor!