September 13, 2024

Home BALITA National

Makabayan Coalition, pinangalanan na kanilang 10 senatorial bets sa 2025

Makabayan Coalition, pinangalanan na kanilang 10 senatorial bets sa 2025
(Photo: MJ Salcedo/Balita)

Ipinakilala na ng Makabayan Coalition ang kanilang sampung senatorial candidates para sa paparating na midterm elections sa 2025.

Narito ang sampung mga tatakbong senador sa ilalim ng Makabayan Coalition:

ACT Teachers Party-list Rep. France Castro

Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas

National

Bagyong 'Bebinca' nakapasok na ng PAR, tinawag nang 'Ferdie'

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairperson Danilo Ramos

Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis

Pamalakaya Vice Chairperson Ronnel Arambulo

Dating Anti-Poverty Czar Liza Maza

Dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño

PISTON National President Mody Floranda

Filipino Nurses United Secretary General Jocelyn Andamo

Kadamay Secretary General Mimi Doringo

May tagline na “Taumbayan sa Senado,” layunin daw ng sampung senatorial candidates na isulong ang kapakanan ng bawat sektor ng bansa at ng masang Pilipino.

Nangyari ang naturang pag-anunsyo ng Makabayan Coalition nitong Lunes, Agosto 26, sa gitna ng isinagawang pagtitipon ng mga progresibong grupo sa Liwasang Bonifacio bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.