September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Konek the dots: Bakit si Direk Joel tinuturong direktor na nag-exploit daw kay Ahron?

Konek the dots: Bakit si Direk Joel tinuturong direktor na nag-exploit daw kay Ahron?
Photo courtesy: Ahron Villena (FB)/Entertainment Web (FB)

Usap-usapan ang naging makahulugang post ng Kapuso actor na si Ahron Villena matapos palagan ang post ng isang direktor na matagal nang nangyayari at kalakaran sa showbiz ang sexual harassment at sexual abuse.

Ayon kay Ahron, isa siya sa mga na-exploit noong bagito pa siya sa showbiz. Ibinahagi ng aktor ang umano'y pagpasok ng isang direktor sa comfort room habang nilalagyan siya ng plaster sa private part, dahil may cameo role siya sa isang pelikula.

Pinaalis daw ng di-binanggit na direktor ang staff na tumutulong sa kaniya, at ito ang naglagay ng plaster. Naramdaman daw ng aktor ang sinasadyang pagdampi ng mga kamay ng direktor sa kaniyang notabels. Hindi na lang daw kumibo ang aktor dahil nirerespeto niya ang direktor na kilala sa industriya.

"Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga sinabi eh. Parang dapat maging proud ka pa pala!" mababasa sa caption ng FB post ni Ahron, kalakip ang mahaba niyang pasabog. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ahron Villena - Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga... | Facebook

Kahit daw sa panayam niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" ay hindi nagbanggit ng pangalan si Ahron, kahit kinukulit na siya ng staff kung sino ang tinutukoy niyang direktor. 

Sana lang daw ay manahimik na lang ang nabanggit na direktor kung ayaw pa nitong maungkat ang nakaraan. Pero giit ni Ahron, hindi raw dapat tino-tolerate ang mga ganoong akto. 

Bagama't walang binanggit na pangalan, agad na tinukoy ng mga netizen na ito ay si Direk Joel Lamangan, dahil kamakailan lamang ay nahingan siya ng pahayag patungkol sa isyu ng sexual harassment sa showbiz.

Ahron Villena - Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga... | Facebook

MAKI-BALITA: 'Isa ako sa naexploit, at ikaw 'yon!' Pasabog ni Ahron Villena, sapul kay Joel Lamangan?

DIREK JOEL: PANAHON PA NG KOPONG-KOPONG 'YAN!

Pangalan ni Direk Joel Lamangan ang lumulutang na pinapatamaan daw ni Ahron sa kaniyang post, matapos lumabas ang panayam sa kaniya at ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) patungkol sa reaksiyon niya sa kasong kinahaharap ng dalawang GMA independent contractors na isinampa ng aktor na si Sandro Muhlach. 

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso sa DOJ vs GMA independent contractors

Aniya sa nabanggit na panayam, matagal nang nangyayari ito at panahon pa ng kopong-kopong ay marami na raw sumikat na aktor ang dumaan sa kamay ng mga beks.

"Panahon pa ng kopong-kopong, meron na 'yon. Diyos ko! Ilang mga artista na naging leading man at sumikat, na nanggaling sa bading. Andami! Andami na noon, 'neng. Hindi lang nabulgar. Ngayon lang nabulgar. Dati noon, secret… Matagal na ang mga ganiyan, luma na ang mga kasong 'yan. Hindi naman yan bago," saad daw ni Lamangan sa panayam ng showbiz writer na si Jerry Olea. 

Sinabi rin niya na kilala niyang mababait na tao ang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz na kinasuhan ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach, anak ng batikang aktor na si Niño Muhlach. Umabot pa nga ang isyu sa senado matapos silang imbitahan sa senate committee hearing on Public Information and Mass Media. 

"Mababait 'yong mga bading na 'yon. Hindi naman balahura. Mabait si Dode. Kawawa naman 'yon," anang direktor. 

May pelikula si Direk Joel noong 1997 na pinamagatang "Bayad Puri" na nagpapakita ng sexual harassment at exploitation sa showbiz. Piinagbidahan ito nina Dindi Gallardo, Ruby Moreno, at Chin Chin Gutierrez, at kabilang din ang mga batikang aktor at aktres na sina Charito Solis, Jay Manalo, Raymond Bagatsing, Richard Quan, Gary Estrada, Caridad Sanchez, Tony Mabesa, at Jim Pebanco.

Matunog ang pangalan ngayon ni Direk Joel dahil sa kaniyang pagganap bilang "Roda" sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo." Bet kasi ng mga tao ang warlahan nila ni "Lena," ang kabit ni "Rigor," na ginagampanan nina Mercedes Cabral at John Estrada. Siya ang naging "frienny" ngayon ng legal wife na si "Marites" played by Cherry Pie Picache. 

"PANG-AASAR" NI DIREK DARRYL YAP

Makahulugan din ang naging post ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap matapos niyang i-share ang pinakawalang Facebook post ni Ahron, at nilagyan ng caption na tila bet niyang i-tag ang direktor.

Matatandaang nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawa matapos batikusin ni Lamangan ang pelikulang "Maid in Malacañang" noong 2022, na nagsasalaysay patungkol sa pamilya Marcos tatlong araw matapos sumiklab ang EDSA People Power I Revolution. Dahil dito, naglabas ng pelikula si Direk Joel na pinamagatan niyang "Oras De Peligro" noong 2023, na nagpapakita naman sa mga ganap noong Batas Militar, sa administrasyon ni dating Pangulong Marcos, Sr.  

Mababasa sa caption ng post ni Darryl, "itatag ko sana si Direk Joel Lamangan at ilan pang artistang siya ang nagpaplaster ng titi, kaso naunfriend nya na ako nung 2022. sayang naman."

Darryl Yap - itatag ko sana si Direk Joel Lamangan at ilan pang... | Facebook

Hindi naman tinukoy ni Yap kung bakit si Lamangan ang ita-tag niya, pero dahil sa post na ito, lalo tuloy lumutang ang espekulasyong ang nabanggit na direktor nga ang pinatutungkulan ng banat ng aktor. 

Dagdag pa ni Direk Darryl, "anlalakas mag-imbento at magkabit sa pangalan ko as Sexual Predator— pero itong mga totoong pangyayari, tahimik. mga walang pinagkatandaan."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Direk Joel tungkol sa isyu. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.