September 13, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Regine, sesemplakin nagsabing hiwalay na sila ni Ogie: 'Maghintay ka d'yan ha!'

Regine, sesemplakin nagsabing hiwalay na sila ni Ogie: 'Maghintay ka d'yan ha!'
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN (YT)

Bumwelta na si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kung sinomang nagpakalat ng tsikang maghihiwalay na umano sila ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” kamakailan, nagbigay ng mensahe si Regine para sa kaarawan ni Ogie. 

Sa bandang gitna ng kaniyang mensahe, binanggit niya roon na hindi madali ang marriage at hindi maganda na mas ginagawa itong mahirap ng mga taong nananalangin na maghiwalay sila.

“As you all know, marriage is difficult. Marriage is already difficult the way it is. Pero ‘yong may mga tao pa na who’s trying to make it more difficult for us. Hindi po ‘yon maganda. Parang ipinapanalangin n’yo na magkahiwalay kami,” pahayag ni Regine.

Relasyon at Hiwalayan

Dominic sa mga umiintriga sa pictures nila ni Kathryn: 'Mga toxic sa socmed!'

“Hindi po kami maghihiwalay ever because we love each other. Our marriage is not perfect. Syempre, may mga isyu-isyu. Gano’n naman talaga,” wika niya.

Dagdag pa ng Asia’s Songbird: “Napakabait ng asawa. He is God-centered. Marami siyang ginagawa pero ang focus niya na kay God pa rin. Hence, ako po ‘yong nagbe-benefit doon.”

Kaya panawagan ni Regine sa madlang pipol, kung may makita man daw silang write-ups na hindi maganda tungkol sa kanila, huwag agad paniwalaan.

Matatandaang nauna nang pabulaanan ni Ogie sa pamamagitan ng isang Threads post ang kaugnay sa tsikang hiwalayan.

MAKI-BALITA: 'It's so sad!' Mag-asawang Ogie at Regine, maghihiwalay na?