December 23, 2024

Home BALITA National

House Speaker Romualdez 'secret weapon' ni PBBM, pahayag ni Recto

House Speaker Romualdez 'secret weapon' ni PBBM, pahayag ni Recto
Photo courtesy: Ralph Recto, Martin Romualdez, Bongbong Marcos (FB)

Naniniwala si Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na si House Speaker Martin Romualdez na pinsan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang siyang "partner" at "secret weapon" nito, matapos niyang ipakilala ang kasalukuyang lider ng Kongreso sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Lipa City nitong Sabado, Agosto 24.

Sa ulat ng Manila Bulletin, pinuri ni Recto, na itinalaga ni Marcos bilang hepe ng Finance Department, si House Speaker Romualdez na nakasama niya noong Barangas Representative pa siya ng 19th Congress.

Aniya, si Romualdez daw ang "utak" o nasa likod ng BPSF na nagsasagawa ng iba't ibang serbisyo sa ilalim ng administrasyong Marcos.

"Kailan ba kayo nakakita ng Speaker na bumisita sa lalawigan ng Batangas, di ho ba? Nagbigay ng panahon. Ang taong ito, sabi ko nga kanina, haligi ng BBM (Bongbong Marcos) administration. Secret weapon ng ating Pangulo," patuloy na puri ni Recto kay Romualdez.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"Kaya kung maganda ang takbo ng BBM administration, ay 'yan ay dahil din sa taong ipakikilala ko sa inyo," dagdag pa.

Nilinaw ni Recto na hindi political rally para kay Romualdez ang nabanggit na pagtitipon.

"Ang pagtitipon pong ito ay hindi rally, kundi serbisyo. Hindi pamumulitika, kundi paglilingkod. Ang hatid ay hindi ang paghahati-hati sa mga paksyon-paksyon o buklod-buklod, kundi ang pagsasama sa layuning makatulong. Hindi hidwaan, kundi ginhawa," pahayag pa ni Recto.

"Kita niyo naman, sangkaterbang serbisyo ang narito ngayon. Lahat yata ng ahensya na nakasulat sa government directory nandidito na present lahat dine," aniya pa.