September 20, 2024

Home SPORTS

Do-or-die: Sino ang kukumpleto sa PVL semi-finals?

Do-or-die: Sino ang kukumpleto sa PVL semi-finals?
Photo courtesy: PVL (FB)

Lalong umiinit ang tapatan sa pagtatapos ng quarterfinals para makumpleto ang huling dalawang spot sa semis ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa darating na Martes, Agosto 27, 2024.

Mauunang magharap ang PLDT High Speed Hitters at Chery Tiggo Crossovers na susundan ng reigning champion na Creamline Cool Smashers kontra sa rival nitong Petrogaz Angels.

Sa kasalukuyan, nasa top 3 ng team standings ang Creamline na sinusundan ng High Speed Hitters. Malaking hamon naman para sa Chery at Petrogazz ang huling spot dahil tabla ang kanilang standing, 5-3.

Samantala, nauna nang ibinulsa ng Cignal HD Spikers ang unang semis ticket nang pataobin ang mas pinalakas na koponan ng Capital One Solar Spikers, 19-25, 34-36, 25-16, 25-22, 12-15 nitong Sabado, Agosto 24, 2024. Sinundan ito ng isang 4-setter match-up sa pagitan ng Akari Chargers at Farm Fresh Foxies 17-25, 25-18, 25-22, 25-23, kung saan nagwagi ang Chargers. Ito na ang kauna-unahang semi-final appearance ng Akari mula nang sumali sa liga.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa naunang pamamaalam ng Choco Mucho Flying Titans sa liga, marami ang umaasa sa Creamline na mabawi ang sister team sa ilalim ng Rebisco franchise. Tatangkain naman ng PLDT na muling makabalik sa semis kung saan nakatakda nilang makaharap ang Akari. Muling pag-angkin naman sa kampeonato ang minamatahan ng Petrogazz na matagal nang naantala sa mga nakaraang conference ng liga.

Kate Garcia