September 21, 2024

Home BALITA National

Leni Robredo kay Kiko Pangilinan: 'Maswerte ang Pilipinas sa'yo!'

Leni Robredo kay Kiko Pangilinan: 'Maswerte ang Pilipinas sa'yo!'
Photo courtesy: Dating Senador Kiko Pangilinan/FB

Ipinahayag ni dating Vice President Leni Robredo na maswerte ang Pilipinas kay dating Senador Kiko Pangilinan.

Sinabi ito ni Robredo nang batiin niya si Pangilinan sa kaarawan nito ngayong Sabado, Agosto 24, sa pamamagitan ng isang video.

“Sinasabi ko na ito lagi pero gusto ko lang ulit-ulitin how much I appreciate you, how much I am truly grateful for the friendship and the support all through the years. Mahaba-haba na rin ‘yung pinagsamahan natin pero super proud ako sa’yo,” mensahe ni Robredo kay Pangilinan.

“Never na na-spoil ka ng power. Never na na-spoil ka ng fame. Maswerte ang Pilipinas sa’yo,” dagdag niya.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Matatandaang naging mag-running mate sina Robredo at Pangilinan noong 2022 national elections kung saan tumakbo ang una bilang pangulo ng bansa habang ang huli ay bilang bise presidente. Tinawag ang kanilang mga tagasuporta na “Kakampink.”

Samantala, matatandaan ding inihayag ni Robredo kamakailan na plano niyang tumakbo bilang alkalde ng Naga City sa 2025 elections.

MAKI-BALITA: Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025

Tatakbo naman daw si Pangilinan bilang senador ng bansa sa susunod na taon. 

MAKI-BALITA: Kiko Pangilinan, tatakbong senador para sa 'better future' ng mga Pinoy