September 13, 2024

Home BALITA National

Taga-Laguna, wagi ng 9M jackpot sa Lotto

Taga-Laguna, wagi ng <b>₱</b>9M jackpot sa Lotto
(unsplash)

Isang taga-Laguna ang pinalad na magwagi ng ₱9 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Agosto 22.

Ayon sa PCSO, ang lucky ticket na may winning numbers na 06-24-25-28-02-16 ay nabili sa Lucky Circle Corp., Calamba, Laguna.

Pinaalalahanan naman ng PCSO ang lucky winner na maaari niyang makubra ang napanalunang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

Kailangan lamang aniya ng lucky winner na iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang identification cards.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Ang lahat ng lotto winnings na lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Samantala, hinihikayat naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na suportahan ang kanilang gaming products upang mas marami pa silang matulungang mamamayan.