September 13, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'It's so sad!' Mag-asawang Ogie at Regine, maghihiwalay na?

'It's so sad!' Mag-asawang Ogie at Regine, maghihiwalay na?
Photo courtesy: Regine Velasquez-Alcasid (IG)

Kumakalat ang isang post na umano'y maghihiwalay na raw ang mag-asawang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid at inaasikaso na raw ang divorce papers dahil sa pagtataksil.

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Ogie at shinare sa kaniyang Threads post.

Galing na mismo sa kaniya na hindi totoo ang pinakakalat na fake news ng Facebook page na ang nakalagay pa sa headline ay ganito: "Regine Velasquez Pinaasikaso na Divorce Papers nila ni Ogie Alcasid matapos ng Pagtataksil!"

"This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation. I report po natin ito," anang Ogie.

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

Photo courtesy: Ogie Alcasid (Threads)

Wala namang binanggit si Ogie kung may balak ba siyang magsampa ng kaso laban sa admin sa likod ng mapanirang post, subalit mga netizen na ang humihimok sa kaniya na sampolan ito upang magtanda. Hindi raw sapat na i-report lang ang page. Gayahin niya raw ang aktor na si Mon Confiado na nagsampa ng demandang cyber libel laban sa isang vlogger na gumawa umano ng kuwento laban sa kaniya.

"Yes I report mga iyan para mabigyan ng leksiyon kz Di nakakatuwa"

"Nakita ko rin yan sa YouTube kaya dapat sampolan demanda Ang mga gumagawa ng fake news tulad ng ginawa ni Mon Confiado."

"Pakasuhan mo ng matuto ,para magtigil mga Yan, may maicontent lang e hahaha."

"Don't worry po, sir @ogiealcasid real ogreee fan po will never believe that fake news. Sa landi ba naman niyo on and off cam, sino maniniwalang hiwalay na kayo? God bless your marriage po. Kayo po ang relationship goals ng maramilaham nmain kayo"

So, hindi totoong maghihiwalay ang mag-asawa, period!