September 12, 2024

Home BALITA National

Hontiveros sa pagkahuli sa 2 kasama ni Alice Guo: 'A promising development'

Hontiveros sa pagkahuli sa 2 kasama ni Alice Guo: 'A promising development'
Courtesy: Sen. Risa Hontiveros/FB

“KAIBIGAN AT KAPATID NI ALICE GUO NAHULI NA!”

Pinuri ni Senador Risa Hontiveros ang mga awtoridad sa Indonesia matapos mahuli sa naturang bansa ang mga kasama ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sina Cassandra Li Ong at Sheila Guo.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 22, nagbahagi si Hontiveros ng ilang mga larawan kung saan nasa Immigration of Indonesia sina Cassandra at Shiela.

MAKI-BALITA: Dalawang kasama ni Alice Guo, hawak na ng Indonesian immigration office

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“Thanks to our international contacts, my office has also independently verified the apprehension of Cassandra Li Ong, and Alice Guo’s sibling Sheila Guo. We commend the Indonesian authorities for their decisive action in upholding the law and maintaining security,” ani Hontiveros.

“This is a promising development, and a testament to our collective efforts. This goes to show how human trafficking facilitated by POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators) is a regional problem that needs a regional, even global, solution,” dagdag niya.

Ayon sa mga awtoridad, may kaugnayan si Cassandra kay Guo at sa POGO na Lucky South 99, habang si Sheila ay kapatid mismo ng pinatalsik na alkalde ng Bamban at kasama sa mga pangalang sangkot sa inihaing arrest order ng Senado kamakailan.

MAKI-BALITA: Senado, naglabas na ng arrest order vs Alice Guo

Kaugnay nito, sinabi ni Hontiveros na inaasahan niya ang pagdalo ng dalawang kasama ni Guo sa magiging pagdinig ng Senado sa Martes, Agosto 27, at mananagot daw ang mga ito kapag hindi sila nagpakita.

“Mahigpit na binantayan si Cassandra Li Ong dahil sya ang makakapagbigay-linaw at makakapagturo ng mga ng dapat managot sa mga totoong nasa likod ng POGO na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga,” ani Hontiveros.

“Ano nga ba ang kinalaman niya kina Alice Guo, Harry Roque, at iba pa? Sino ang nagpapuslit sa kanya at sa kapatid ni Alice Guo para makalabas sa bansa? At bakit butas-butas ang sistema natin sa immigration? Naniniwala ako na masasagot lahat yan sa ating susunod na hearing.”

“Inaasahan ko rin ang pagdalo ni Cassandra Li Ong at Sheila Guo sa ating hearing sa Martes. Mananagot sila sa pag-iwas nila sa Senado,” saad pa niya.