September 20, 2024

Home SPORTS

8 PVL teams sasabak na sa knockout game ng PVL playoffs

8 PVL teams sasabak na sa knockout game ng PVL playoffs
Photo courtesy: PVL

Magsisimula na ang qualification round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference kung saan magtatapat-tapat ang 8 koponan sa knockout game sa darating na Sabado, Agosto 24.

Sa unang pagkakataon, pasok sa playoffs ang mga koponan ng Akari Chargers, Farm Fresh Foxies at Capital One Solar Spikers. Habang balik quarterfinals naman ang mga beteranong koponan ng Creamline Cool Smashers, Cignal HD Spikers, PLDT High Speed Hitters, PetroGazz Angels at Chery Tiggo Crossovers.

Samantala nauna nang matapos ang kampanya ng Choco-Mucho Flying Titans nang mabigong sungkitin ang final spot kontra High Speed Hitters 3-1. Kasama rin sa mga koponang maagang nagpaalam ngayong conference ang Galeries Tower HighRisers, Nxled Chameleons at Zus Thunderbelles.

Mauunang sumalang sa Sabado sa magkasunod na laban ang koponan ng HD Spikers at Akari sa FilOil EcoOil Center sa San Juan.

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry

Kate Garcia