September 12, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?
Photo Courtesy: Carlos Yulo, Vice Ganda, via MB (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Unkabogable star Vice Ganda hinggil sa pahayag ng isang netizen na nagsabing sinusuportahan umano niya ang ina ni Filipino gymnast at two-time-Olympic Gold medalist Carlos Yulo.

Sa X post ni Vice Ganda nitong Martes, Agosto 20, sinabi niyang hindi raw siya nagbigay kailanman ng opinyon sa pamilya Yulo.

“Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya,” saad ni Vice Ganda.

Paratang kasi ng netizen sa kaniya: “CONFIRMED. Vice supports Angelica's side nga. Im so disappointed in you.“

Pelikula

<b>BALITAnaw: Mga pelikulang Pilipinong humataw at tumabo sa takilya</b>

Nakabatay ang pahayag na ito ng netizen sa opinyon na inilahad ni Vice Ganda sa isang episode ng “EXpecially For You.”

Ayon sa Unkabogable star, napakahirap na problema raw ang hindi maging okay sa pamilya. Pero paliwanang naman niya sa isang hiwalay na post: “May part ng episode na yan na sinabi ko din na di mo masisisi ang iba na umalis dhil un ang paraan nila para makasurvive. Un ang paraan nila para maituloy nila ang buhay nila dahil ung pananatili nila sa bahay na un ay maaari nilang ikamatay o ikasama nila.”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:"Lahat ng talaga binibigyan ng meaning ng mga tao kahit may nagkakataon lang na pagbanggit na pag konekta ng mga bagay. Wala e, ito yon generation na yon."

"Truee meme magawa sila issue huhu may ma pa trending Lang"

"Minsan kasi kahit hindi natin sinasabi nang explicitly yung mga bagay bagay, pero may mga connotations na behind it."

"They can never make me hate u, meme! "

"Solid mga issue maker ihhh may mapa trending lang"

"HAYSSS GRABE"

Matatandaang matapos manalo ni Yulo sa Paris Olympics 2024 ay nagsimulang lumutang ang sigalot sa pagitan niya at ng kaniyang pamilya.

Pero sa isang panayam, nagpaabot sa kaniya ng mensahe ang tatay niya para ayusin kung anoman ang hindi nila pagkakaintindihan sa pamilya.

MAKI-BALITA: Tatay ni Carlos Yulo, nakiusap sa anak na mag-usap na sila ng nanay, mga utol niya